7.21.2010

On BO Groups

07.21.2010

Now come to think about it, I've been a member of this group for ages, but i didn't anticipate what was coming of it until lately I've been noticing that my mailing account was not flooded with updates coming from this group. It was curiosity that led me to check on it and i found this.
"Sorry, the page you requested was not found." 


I was so saddened from it, Bobongpinoy served as my portal to the country i love the most and it was my silent mentor from different point of views from politics, personal life, insights, opinions, religions, and others. Somehow, sometimes when things are a bit easy it reminds me of things like comfort foods, nature, and tranquil . This group provided me knowledgeable information, criticisms, views, and realizations. 


Raising my hopes high this are my speculations on the "Sorry the page you requested was not found": (1) Maybe i was just typing/misspelled the URL address or (2) the link in the groups daily subscription notification is broken or (3) the group no longer exist and or (4) the members are not active anymore in posting polls? 

Giving the answers to  to the speculations (1) I did not misspelled the URL address as a result the address  directed to my account subscription page (2) The result on this was "Sorry the page you requested was not found" (3) I think it still exist (4)  From my account subscription Login page, the last post there was dated January 7, 2010 about "Ang Presidential Bet ko para sa 2010 ay si...."

On the other hand I've manage to dig up my files for this certain message.(Reference: BO from bobongpinoy@yahoogroups.com)
 
August 08, 2009
[bobongpinoy]Bangon ulit

Sabi ni Jerry Barican nung spokesman pa sya ni Joseph Estrada sa MalacaƱang,
nung nagtatrabaho daw sya sa media ang tingin nila sa gobyerno ay isang
nakakatakot na higante. Nang sya na ang mapunta sa administrasyon, nakita
nyang sa kabilang kampo pala ay ang media naman ang dambuhalang dapat
katakutan.

Naisip kong pagpahingahin muna ang mga moderator ilang araw bago naging
'unmoderated' ang list bilang tugon sa mga problemang naglabasan nitong
huli. Ang sandaling pagbitiw sa trabaho ang version namin ng 'delicadeza'
na hinihingi natin sa mga government officials na may hinaharap na isyu.

Pero sa kabilang banda, ipinapaalala lang po namin na *hindi* government
officials ang mga moderator tulad ng gustong isipin ng mga miyembrong may
personal na isyu sa mga otoridad. Walang sweldong nakukuha sa trabaho ang
mga moderator--pera man o pabor. At bukod sa pagiging traffic police ng mga
post, wala na rin silang ibang kapangyarihan na pwedeng abusuhin o
maipagmalaki. Kung may nakakabanggaan man sila sa opinyon, bahagi yon ng
pagsali nila sa grupo tulad din ng mga ordinaryong miyembro; pero kusang
loob silang umiiwas sa pag-moderate ng mga mensahe ng nakakasagutan nila at
ipinapaubaya ito sa ibang moderator para hindi mahaluan ng personal na
interes ang trabaho. Ganon pa man, sa mga pagkakataong nagkakamali sila,
humihingi po kami ng paumanhin.

"Kailangan pa nga ba natin ng moderator?" Lingid sa kaalaman ng marami,
hindi lang po tagatapon ng mensahe ang mga 'mods', tagapulot din sila ng mga
mensaheng napagkakamalang SPAM at kusang itinatapon ng Yahoo! Groups
sa
basurahan. At kung papansinin ang mga patakaran sa grupong ito na
ipinapatupad ng mga moderator, wala naman pong wala sa katuwiran. Lumalabas
minsan na masyado tayong maraming batas, pero yun ay dahil lang sa marami
din satin ang kLanGan pAng pAaLalaHaNAn ng mGa bGay na kung Ttuusin e Ndi
nMan n TLG dpat png iPinapaaLala.

Nag-umpisa ang pag-moderate sa grupo noon para lang salain ang mga walang
katapusang thread tungkol sa sino/ano/saan/ ilan ba talaga si Bob Ong, na
wala naman talagang kapakipakinabang na patutunguhan. Idinagdag na lang
kalaunan ang ilang "common sense" na batas sa BP Rules dahil ang sense nga
raw ay hindi rin pala common.

"Puro pagtatalo na lang ba tayo?" Hindi po maiiwasan ang maiinit na usapan
dito dahil grupo ito ng maiinit na usapan. Hindi ito forum ng mga ka-batch
mo sa dating high school o fan club ni David Cook. Dahil sa iba't-ibang
pananaw ng mga miyembro tungkol sa lipunan, politika, relihiyon, at marami
pang iba, normal lang dito ang mga debate. At dagdag sa trabaho ng mga
moderator ang pagiging bouncer para hindi magmimistulang gang war ang
mailing list.

Maraming miyembro, maya-mayang post, maiinit na pagtatalo, iba't-ibang uri
ng tao--hindi po madali ang responsabilidad na hinaharap ng mga moderator.
Siguro hindi halata ang pag-alis nila sa sandaling panahon, pero hindi po
tatagal ng isang dekada ang grupo kung hindi ito nagabayan ng mga
alituntunin at mga tagapagpatupad nito.

[Paalala lang sa mga miyembrong mas marami nang natutunan at mas malalim na
ang pang-unawa, siguro kumpara sa pakikipagtunggali sa mga "bobo" mas
makakabuti kung ipapaliwanag na lang natin nang maayos ang isang isyu kasama
ang source/mga reference para sa kaalaman ng lahat (kasama na ang mga
"bobo"). Matututo na ang marami, maiiwasan pa ang away.

[Sa mga miyembrong nasabak sa gulo, nakalabas nang buhay, at hindi naman
gaanong nakabulabog sa ibang usapan, salamat. Hinahangaan namin kayo. Sana
ay magaya ng iba ang maayos nyong pagsara sa mga pagtatalo. Hindi
kailangang magsabi pa ang kalaban ng 'talo ako' para matigil ang debate.
Minsan pwede naman tayong tumigil na lang dahil alam naman nating marunong
at may sariling panghusga ang ibang mga miyembro.]

"Puro na lang ba tayo usap?" Yun po ang pangunahing gamit ng Yahoo! Group.
Maganda kung may mabubuong samahan na magtutulung- tulong para magsagawa ng
mga makubuluhang proyekto, pero sa ngayon ay wala pong ganoong pangako ang
grupo, at hindi kailangang manlumo o maging dahilan ng di pagkakaintindihan
ang kawalan nito.

Hindi ko alam kung sino ang nag-umpisa ng konsepto dito ng "kayo" at "kami"
at pilit na naghihiwalay sa mga miyembro at sa mga moderator bilang mga
ordinaryong tao at "mga taong nasa kapangyarihan" . Pero sa nangyari ay
nakita nating lahat kung paanong ang bawat isa ay parte ng isang malaking
sistema. Hindi nakakatulong ang paninisi sa 'gobyerno', dahil ang gobyerno
ay binubuo rin ng tao, na kung bubuwagin ay tao lang din ulit ang papalit.
Lalo na sa Pilipinas kung saan mga mamamayan ang literal na nagluluklok at
naglalaglag sa mga presidente, malaking panloloko sa sarili kung isisisi
lang natin ang lahat sa gobyerno at itatangging may kapangyarihan tayo at
responsabilidad sa kinakapaloobang sistema.

Sa nagdaang dalawang linggo ay 119 na tao ang nadagdag sa group, at 143
naman ang umalis. Hindi po nagbakasyon ang mga moderator para ipakitang
magiging magulo ang list; ipinaubaya lang namin ang pagkakataon sa mga
miyembro para isakamay ang kaayusan dito. Pasensya na po sa mga naperwisyo,
at salamat sa mga nagtiyaga.

Subukan nating buuhin ulit ang discussion group nang labas sa usapan ang
mensaheng ito, o ang isyu sa mga moderator at relihiyon. Mag-umpisa tayo
ulit.


Reference: bobongpinoy@yahoogroup.com on the (Article mention above)

No comments:

Post a Comment